Bata bata, paano ka ginawa?
This was a novel written by Luwalhati Bautista and a movie starred by Vilma Santos. I wrote this essay way back May 12, 2008, during my college days. This was a requirement in one of my GE classes in UP, Panitikang Pilipint 19 (PanPil 19). “Bata Bata Pano ka Ginawa” sa direksyon ni Chito Roño Ang pelikula ay tungkol kay Lea-ina ng dalawang anak na sina Ogie at Maya, pero sa magkaibang ama, nagtatrabaho sa isang NGO, na namamahala sa iba’t ibang human rights violation partikular laban sa mga kababaihan. Ang ama ni Ogie na si Raffy ay iniwan silang mag-ina nang kinailangan nitong magtrabaho sa Surigao. Si Maya, na ang ama ay si Ding ay nakatira sa isang bahay kasama si Ogie. Nang makabalik si Raffy, nakita niya ang anak na si Ogie at nagkaroon ng pagkakataong makilala nang husto ang anak. Binalak ng dalawang amang kunin ang kanilang anak pero sa huli ang pinili ng dalawang anak na manatili sa kanilang ina. Pinakita sa pelikula ang mga karaniwang tingin ng lipunan sa mga ...