Bata bata, paano ka ginawa?
This was a novel written by Luwalhati Bautista and a movie starred by Vilma Santos. I wrote this essay way back May 12, 2008, during my college days. This was a requirement in one of my GE classes in UP, Panitikang Pilipint 19 (PanPil 19).
“Bata Bata Pano ka
Ginawa” sa direksyon ni Chito Roño
Ang
pelikula ay tungkol kay Lea-ina ng dalawang anak na sina Ogie at Maya, pero sa
magkaibang ama, nagtatrabaho sa isang NGO, na namamahala sa iba’t ibang human
rights violation partikular laban sa mga kababaihan. Ang ama ni Ogie na si Raffy ay iniwan silang
mag-ina nang kinailangan nitong magtrabaho sa Surigao. Si Maya, na ang ama ay
si Ding ay nakatira sa isang bahay kasama si Ogie. Nang makabalik si Raffy, nakita
niya ang anak na si Ogie at nagkaroon ng pagkakataong makilala nang husto ang
anak. Binalak ng dalawang amang kunin ang kanilang anak pero sa huli ang pinili
ng dalawang anak na manatili sa kanilang ina.
Pinakita
sa pelikula ang mga karaniwang tingin ng lipunan sa mga kababaihan, Sa kaso ni
Lea, na isang ina, nang maging asawa nito si Raffy, kinailangan niyang mamili
sa pagitan ni Raffy o ang kanyang trabaho. Simula’t simula palang ay tutol na
si Raffy sa pagtatrabaho ni Lea. Para sa kanya’y dapat manatili lamang si Lea
sa bahay para alagaan si Ogie. Pero nanatiling matigas si Lea sa kanyang
desisyong hindi sumama kay Raffy sa Surigao. Dito pinapakitang ang tingin sa
mga babae ay para sa bahay lamang. Karaniwang pag may asawa na na manatili ang
ina sa bahay para maging full time housewife. Ang asawang lalaki na ang
bahalang magtrabaho at punan lahat ng pangangailangan ng pamilya. Ngunit sa
pelikula, sinalungat ni Lea ang ganitong tingin sa mga babae. Pinatunayan
niyang kaya rin ng mga kababaihang magtrabaho at hindi palagiang umaasa sa
asawa.
Tinalakay
din sa pelikula ang karapatan ng mga kababaihan lalo na laban sa karahasan. Aktibo
si Lea sa usaping ito sapagkat siya’y nagtatrabaho sa isang NGO na namamahala
sa pangangalaga ng mga naaapi gawa ng karahasan. Marami nang kasong naipanalo
ang kanilang grupo. Pinapakita rito na ang mga kababaihan ay hindi lang basta
basta maaaring hamakin, na ang mga kababaihan ay malakas din at hindi lang
sunod sunuran sa mga idinidikta sa kanila. Karaniwang tingin sa mga babae ay
walang alam, kung minsan palamuti lamang ng mga lalaki. Pero hindi ganito ang
pinakita sa katauhan ni Lea. Si Lea ay matapang at palaban lalo na kung alam
niyang siya ang nasa lugar. Pinakita ni Lea na kayang mabuhay ng mga kababaihan
nang hindi umaasa sa mga lalaki.
Sa
simula ng pelikula inaanyayahan ng kaibigan ni Lea na isali ang anak na si Maya
sa isang beauty contest pero hindi ito pumayag. Ayon kay Lea, ang kagandahan ay
wala sa pisikal na anyo, masmahalaga pa rin ang buong pagkatao. Mahalaga ang
eksenang ito dahil binigyang diin ang konseptong kagandahan ng kalooban at
hindi ang kagandahang panlabas. Madalas kasing tingin sa mga babae ay puro
pagpapaganda lang ang inaatupag. Pag babae ka dapat malinis sa katawan, dapat
mahinhin at kung anu-ano pang mga dapat.
Nagustuhan ko ang
pelikula dahil hindi pangkaraniwan ang pagganap ng isang babae. Ang mga
kababaihan ay pinakita sa panibagong angulo na sa tingin ko ay tama. Hindi na
dapat manatili sa isang kahon ang mga kababaihan. Tama lang na baguhin ang
baluktot na tingin ng lipunan lalong lalo na ng mga lalaki sa mga babae. Hindi
dapat minamaliit lang ang mga babae.
Comments
Post a Comment