Ay BIBE nga naman
"may mga bagay na kahit gusto mo, kelangan mong bitiwan.. may mga tao na kahit napapasaya ka, kelangan iwasan.. may mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan.. at may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ng tama, ikaw ang mahihirapan.. dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli.. ikaw din ang masasaktan." Shems!!! Bakit sobrang totoo tong text message na to? OO. Text message to na nakuha ko kaninang umaga. "may mga bagay na kahit gusto mo, kelangan mong bitiwan.." Una sa lahat ang gusto ko lang ngayon ay magpasirit (surfing) pero kelangan kong bitiwan pansamantala para harapin ang panibagong yugto ng buhay, ang buhay pagtatrabaho. Naalala ko tuloy yung post ni Jali sa Facebook. "Sana pwedeng mabuhay kahit walang hanapbuhay, dahil ang hanapbuhay ay sagabal sa buhay!" Ok. napakatotoo nito. Ganitong ganito nararamdaman ko. Hanapbuhay, sagabal sa mga masasayang plano ko. Dahil magkakatrabaho na ko sa Abril, sinusulit ko na ngayon ang natitirang araw ...