Ay BIBE nga naman
"may mga bagay na kahit gusto mo, kelangan mong bitiwan..
may mga tao na kahit napapasaya ka, kelangan iwasan..
may mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan..
at may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ng tama, ikaw ang mahihirapan..
dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli.. ikaw din ang masasaktan."
Shems!!! Bakit sobrang totoo tong text message na to? OO. Text message to na nakuha ko kaninang umaga.
"may mga bagay na kahit gusto mo, kelangan mong bitiwan.."
Una sa lahat ang gusto ko lang ngayon ay magpasirit (surfing) pero kelangan kong bitiwan pansamantala para harapin ang panibagong yugto ng buhay, ang buhay pagtatrabaho. Naalala ko tuloy yung post ni Jali sa Facebook.

Ok. napakatotoo nito. Ganitong ganito nararamdaman ko. Hanapbuhay, sagabal sa mga masasayang plano ko. Dahil magkakatrabaho na ko sa Abril, sinusulit ko na ngayon ang natitirang araw magliwaliw. Kaya nga sa darating na Huwebes tutungo naman ako sa Naga at Daet para sa isa nanamang kapanapanabik na surf trip!
"may mga tao na kahit napapasaya ka, kelangan iwasan.."
Huhu eto medyo personal. Kaya sa private journal ko to isusulat! haha. Pero oo may iiwasan na ko. Hirap.
"may mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan.."
Kanina lang nagfile na ko ng application para makapag Civil Service Exam. Sa totoo lang ayoko talaga magexam. Pero mapilit si mother. Nagalit pa sakin kaninang umaga at sinabihan akong di niya ko papayagan pumuntang Daet pag di ako nakapagfile. Ok tama ba yun? Unang-una siya talaga yung may gusto mag Civil Service. Eh bakit ba pinipilit sakin? Ayun na nga nagawa ko siya kanina para lang wala na pagtatalo.
"at may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ng tama, ikaw ang mahihirapan.."
Sa ngayon di ko lam kung ano na yung ginawa kong tama. Siguro yung pagpirma ko sa trabaho. Nako sana wag mahirapan! haha.
"dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli.. ikaw din ang masasaktan."
Ay eto, siguradong hindi ako masasaktan dahil di ko na pagpipilitan ngayon palang!
Beer sa sand lang ang katapat ng lahat ng ito! Siyempre kasama na diyan ang pasirit sa magandang alon. Excited na ko sa susunod kong destinasyon. First time ko sa Naga at Daet. Sigurado magandang lugar din yun!

Comments
Post a Comment